Home NATIONWIDE Malversation case vs Sen. Villanueva ‘submitted for reso’ na – DOJ

Malversation case vs Sen. Villanueva ‘submitted for reso’ na – DOJ

251
0

MANILA, Philippines – Submitted for resolution na ang ilang malversation case laban kay Sen. Joel Villanueva ayon sa kumpirmasyon ng Department of Justice.

May kinalaman pa rin ito sa pagkakasangkot umano ng senador sa anomalya sa flood control projects partikular sa Bulacan.

Sinabi ni DOJ spokesperson Polo Martinez na naghain na ng senador ang kanyang counter-affidavit at kumpleto na ang dokumento sa harap ng prosecutor para malaman nila kung mayroon o walang umiiral na prima facie evidence.

“Yung isang kaso na pending dito sa amin where Senator Joel Villanueva is charged with malversation of fund were already ‘submitted for resolution’  na,” pahayag ni Fadullon.

Kung mayroon man aniyang iba pang kaso si Sen.Villanueva na nakabinbin sa Office of the Ombudsman sinabi ni Fadullon na hindi niya ito alam.

Ayon kay Fadullon ang kaya lamang nilang sagutin ay ang kaso na nai -file sa DOJ. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here