Home METRO Kuryente sa bahagi ng Surigao, naibalik na! – NGCP

Kuryente sa bahagi ng Surigao, naibalik na! – NGCP

211
0

MANILA, Philippines – Naibalik na ang transmission services sa ilang bahagi ng mga lalawigan ng Surigao matapos maapektuhan ng Tropical Depression Basyang (international name Penha) noong Huwebes ng gabi, ayon sa National Grid Corp. of the Philippines (NGCP).

Sa isang abiso, sinabi ng NGCP na naibalik ang serbisyo ng Placer–Madrid 69-kilovolt (kV) line bandang 1:44 ng hapon ng Biyernes, matapos mawalan ng kuryente dakong 10:23 ng gabi noong nakaraang araw. Ang naturang linya ay nagsusuplay ng kuryente sa Surigao del Norte Electric Cooperative (SURNECO) at Surigao del Sur II Electric Cooperative, Inc. (SURSECO II).

Samantala, patuloy na humihina ang Basyang at huling namataan sa paligid ng Dauis, Bohol, batay sa 5:00 p.m. bulletin ng weather bureau. Ito ay kumikilos pakanluran-timogkanluran sa bilis na 15 kph, may lakas ng hanging 55 kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 75 kph.

Ibinaba na rin sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang ilang lugar mula Luzon hanggang Mindanao. Gayunman, nagbabala ang weather bureau na posible pa rin ang malalakas na ulan at hangin sa mga lugar na wala sa mismong dinaanan ng bagyo.

Inaasahang muling magla-landfall ang Basyang sa ilang bahagi ng Cebu at Negros Oriental sa pagitan ng Biyernes at madaling-araw ng Sabado bago ito tumungo sa timog ng Panay Island o sa Panay Gulf. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here