OLONGAPO CITY, Philippines – Inaresto ng pulisya ang isang wanted na dayuhang mamamayan noong Huwebes, Pebrero 5, sa Barangay West Bajac-Bajac sa lungsod na ito.
Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Olongapo City Regional Trial Court Branch 99 para sa maraming paglabag sa National Internal Revenue Code, nadakip ang suspek ng mga tauhan ng Police Station 1 at ng city police intelligence unit.
Pinayagan naman ng korte ang biktima na magbayad ng halagang P780,000.00 bilang piyansa para sa pansamantala nitong kalayaan.
Ayon kay Police Regional Office-3 chief Police Brig. Gen. Ponce Rogelio I. Peñones Jr., ang pag-aresto ay sumasalamin sa tuloy-tuloy na kampanya ng kapulisan laban sa mga wanted na indibidwal sa pamamagitan ng intelligence-driven operations at koordinasyon ng iba’t ibang yunit. /Mary Anne Sapico