Home HOME BANNER STORY Bagyong Basyang nag-iwan ng 8 nasawi

Bagyong Basyang nag-iwan ng 8 nasawi

257
0

MANILA, Philippines – Aabot sa walong tao ang iniulat na nasawi dahil sa epekto ng Tropical Cyclone Basyang (Penha), ayon sa Office of Civil Defense (OCD) nitong Sabado.

Ayon kay OCD Deputy Spokesperson Diego Agustin Mariano, 4 na tao ang namatay, kabilang ang 2 bata (12 taon at 11 buwan), sa landslide sa Cagayan de Oro; 3 naman sa Iligan City dahil sa baha; at 1 ang nalunod sa Agusan del Norte.

Sa Cagayan de Oro, ang landslide ay naganap sa Zone-1 Sambulawan, Gabule Compound, Barangay Agusan, sanhi ng mahihinang poste ng bagong konstruksiyon at tuloy-tuloy na malakas na ulan.

Sa Iligan City, na nasa state of calamity, bumagsak ang isang steel bridge sa Barangay Puga-an, at mga malalakas na agos ng baha ang humataw sa mga sasakyan sa Barangay Mahayahay. Aabot sa 3,800 pamilya ang naapektuhan sa lungsod. Sa Cagayan de Oro naman, higit 2,000 indibidwal ang na-evacuate.

Ang Basyang, na noon ay tropical storm, ay tumama sa Bayabas, Surigao del Sur noong Biyernes ng umaga at nagdala ng malakas na ulan sa Agusan del Norte, Bohol Sea, at Bohol. Noong Biyernes ng gabi, ito ay nasa Negros Oriental at patuloy nang nawala. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here