Home NATIONWIDE Recovery efforts sa Iligan na hinagupit ni Basyang pabibilisin ng pamahalaan

Recovery efforts sa Iligan na hinagupit ni Basyang pabibilisin ng pamahalaan

227
0
Photo by DSWD

MANILA, Philippines – Nagsisikap na ang national governemnt agencies sa recovery efforts sa Iligan City matapos ideklara ang state of calamity dahil sa matinding epekto ng bagyong Basyang.

Nitong Sabado, Pebrero 7, binisita ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian at Mayor Frederick Siao ang mga evacuation center at tiningnan ang usad ng relief operations.

“President Ferdinand Marcos Jr. sent me here to see to it no one will get hungry and (everybody is) taken care of,” ani Gatchalian.

Nakapagtala ang DSWD ng mahigit 21,700 evacuees sa 33 centers. Nasa 24,540 naman ang kabuuang bilang ng mga apektado ng matinding pagbaha noong Pebrero 5.

Naglabas naman ang ahensya ng P8.5 milyong halaga ng food at non-food relief packs sa mahigit 5,500 pamilya kasabay ng standby fund na P2.2 milyon.

Nagsasagawa na rin ng inspeksyon ang Department of Public Works and Highways sa mga tulay at dike, maging sa mga kalsada na posibleng naapektuhan ng pagbaha.

Noong Biyernes, inaprubahan ng Iligan City Council ang Resolution No. 26-101 na nagdedeklara ng state of calamity at pinayagan ang paggamit ng calamity fund para sa relief assistance at pagbuo ng mga nasirang imprastruktura. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here