MANILA, Philippines – Todas ang isang lalamove rider nang magulong ng isang truck sa Maynila nitong Sabado, Pebrero 7.
Sa imbestigasyon, alas-10:20 ng umaga nang mangyari ang insidente sa bahagi ng San Marcelino Street at United Nations Street.
Nauna rito, napansin umanong gumewang-gewang ang minamaneho ng motorsiklo ng biktima na may plate number na 69400Y habang binabaybay niya ang soouthbound lane ng San Marcelino Street.
Nasagi ng truck ang delivery bag ng rider hanggang sa mawalan ng balanse at nagulungan ng trailer truck.
Nasa kustodiya ngayon ng Manila Traffic Enforcement Unit ang driver ng truck para sa kaukulang pagsasampa ng reklamo sa pagkamatay ng rider. Jocelyn Tabangcura-Domenden