Home NATIONWIDE Lolo, lola sugatan sa sumemplang na motorsiklo

Lolo, lola sugatan sa sumemplang na motorsiklo

167
0

PANGASINAN- Parehong sugatan ang isang 73-anyos na lalaki at ang angkas nitong 63-anyos na babai matapos na sumemplang ang kanilang motorsiklo sa Mabini, Pangasinan kahapon, Pebrero 7.

Ayon sa pulisya, ang driver ng kulay blue na Rusi motorcycle ay residente ng Bautista, Pangasinan samantalang ang angkas nito ay residente naman ng Laoac, Pangasinan.

Sa inisyal na imbestigasyon, bumibiyahe ang motorsiklo papuntang Burgos, Pangasinan.

Pagdating nito sa pakurba at pababang bahagi ng kalsada, nawalan ng kontrol ang driver hanggang sa sumemplang ang kanilang sasakyan.

Agad na isinugod sa ospital driver at angkas nito. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here