Home METRO 10 pamilya apektado, 3 sugatan sa sunog sa Paco, Maynila

10 pamilya apektado, 3 sugatan sa sunog sa Paco, Maynila

211
0

MANILA, Philippines – Sampung pamilya ang naapektuhan habang tatlong katao ang nasugatan sa sunog na tumama sa isang commercial at residential area sa kahabaan ng UN Avenue sa Paco, Maynila madaling-araw ng Lunes.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa unang alarma ang sunog; nakontrol ito dakong alas-2:18 ng madaling-araw at tuluyang naapula bandang alas-2:48 ng madaling-araw.

Kabilang sa mga nasugatan ang isang bumbero na rumesponde sa insidente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here