MANILA, Philippines – Sampung pamilya ang naapektuhan habang tatlong katao ang nasugatan sa sunog na tumama sa isang commercial at residential area sa kahabaan ng UN Avenue sa Paco, Maynila madaling-araw ng Lunes.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa unang alarma ang sunog; nakontrol ito dakong alas-2:18 ng madaling-araw at tuluyang naapula bandang alas-2:48 ng madaling-araw.
Kabilang sa mga nasugatan ang isang bumbero na rumesponde sa insidente. RNT/MND