Home NATIONWIDE Ligtas, matatag na suplay ng dugo, pinalakas ng PRC sa ika-2 Blood...

Ligtas, matatag na suplay ng dugo, pinalakas ng PRC sa ika-2 Blood Summit

230
0

MANILA, Philippines – Tumutok ang Philippine Red Cross (PRC) sa ikalawang Blood Summit 2026 sa pagpapalakas ng kaligtasan ng dugo, donor sustainability, digital transformation, at mga pagtutulungan para sa matibay na serbisyo sa dugo.

Tinalakay ang kahalagahan ng Good Manufacturing Practice (GMP), donor experience at paggamit ng digital system para sa mas ligtas na serbisyo.

Kinilala ni PRC Secretary General Gwendolyn Pang ang dedikasyon ng PRC Blood service personnel habang ipinahayag ang suporta ng mga partner tulad ng Abott Laboratories.

Natapos ang ikalawang araw ng PRC Blood Summit 2026 sa diwa ng pagkakaisa at selebrasyon na nagpapatibay ng mga koneksyon at layunin para sa serbisyo at pagsagip ng buhay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here