MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang rehabilitasyon ng Manila North Road sa Apalit, Pampanga, ayon sa pahayag ng ahensya nitong Linggo.
Ayon sa DPWH, nagsimula ang rehabilitation efforts matapos ang inspeksyon ni Sec. Vince Dizon noong Enero 23.
“Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agad na ayusin ang nasabing kalsada bago sumapit ang tag-ulan upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista,” dagdag ng DPWH. RNT/MND