MANILA, Philippines – Nag-suspinde ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Bicol, sa Albay, Catanduanes, at Sorsogon, ng biyahe ng maliliit na barko dahil sa malalakas hanggang napakalakas na alon dulot ng amihan.
Ayon kay PCG Commander Commodore Ivan Roldan, may 410 personnel, 13 land assets, at 16 floating assets na handa para sa posibleng rescue at evacuation operations.
Sa Albay, lahat ng watercraft na 250 gross tonnage pababa sa silangang baybayin ay bawal bumiyahe; ang mas malalaking barko ay pinapayuhan na maging alerto. Sa Catanduanes, bawal rin ang lahat ng maliliit na bangka at watercraft. Sa Sorsogon, suspinde rin ang lahat ng trips ng barko na 250 gross tonnage pababa dahil sa malalakas na alon na umaabot sa 2.8–4.5 metro.
Pinapayuhan ang mga operator, kapitan, at may-ari ng barko na manatili sa pantalan o sa ligtas na daungan, at mag-ingat ang mga malalaking barko. Ani Roldan, “We are continuously monitoring maritime activities 24/7 and are in close coordination with LGUs and other line agencies for possible emergency response.” RNT/MND