Home METRO 2 arestado sa ilegal bentahan ng gasolina sa OccMin

2 arestado sa ilegal bentahan ng gasolina sa OccMin

196
0
via Philippine National Police

OCCIDENTAL MINDORO, Philippines – Arestado ang dalawang lalaki sa Sablayan, Occidental Mindoro dahil sa ilegal na bentahan at distribusyon ng 16,000 litro ng premium gasoline mula sa isang tanker truck, ayon sa PNP.

Nahuli ang mga suspek noong Pebrero 3 sa Barangay Sto. Niño ng CIDG Occidental Mindoro PFU at iba pang yunit ng pulisya habang isinasagawa ang operasyon.

Nakuha rin ang 10-wheeler truck na naglalaman ng gasolina na nagkakahalaga ng P768,000, habang ang truck mismo ay tinatayang P2 milyon.

Ang mga suspek, edad 55 at 34, ay kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Sasampahan sila ng kaso sa paglabag sa Batas Pambansa 33 (PD 1865) na nagbabawal sa ilegal na kalakalan ng petrolyo.

“Illegal fuel trading endangers lives and weakens lawful business, and the PNP will not allow these activities to continue. Hindi natin hahayaang malagay sa panganib ang komunidad dahil sa ilegal na bentahan ng petrolyo,” ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr.

Idinagdag niya na parehong ipatutupad ang batas sa lahat, at haharapin ng mga lumalabag ang kaukulang parusa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here