Home METRO 5 manggagawa sa taniman ng pinya, utas sa pagtaob ng trak sa...

5 manggagawa sa taniman ng pinya, utas sa pagtaob ng trak sa Bukidnon

253
0
via Valencia City DRRMO

BUKIDNON, Philippines – Limang pineapple harvesters ang nasawi matapos bumangga at tumaob ang truck na sinasakyan nila sa Purok 4, Barangay Lurogan, Valencia City noong Linggo, Pebrero 8.

Ayon sa Valencia City DRRMO, pababa ang truck nang mawalan ng kontrol ang driver, tumama sa bakod ng bahay, at tumaob. Pitong tao ang sakay sa truck nang mangyari ang aksidente.

Ayon sa ulat, tatlong babae at dalawang lalaki ang idineklarang patay sa ospital. Sugatan naman ang driver at isa pang manggagawa na agad ding dinala sa ospital. Isa naman ang nasagasaan at isinugod sa ospital sa Malaybalay City.

Ang mga biktima ay empleyado ng Mt. Kitanglad Development Corp., isang kompanyang nagtatanim at nag-e-export ng pinya.

Ayon sa human resources officer na si Zhaiful Rigor, outsourced workers ang lima, na nagtrabaho sa kumpanya ng dalawang hanggang tatlong taon.

Ang driver ay tinukoy bilang substitute o extra, ngunit walang karagdagang detalye ang ibinigay.

Nagbigay ang kumpanya ng financial assistance at pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulis at lokal na pamahalaan upang matukoy ang sanhi ng aksidente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here