BOHOL, Philippines – Patay ang isang lola habang sugatan ang dalawa matapos masalpok ang mga ito ng minamanehong patrol car ng isang pulis, kahapon ng umaga sa bayan ng Dimiao.
KInilala ang nasawi na si Marcela Namuag, taga Tangohay, Dimiao, habang sugatan sina Mary Ann Namuag, 45, at Maximino Yecyec, 55, taga Barangay Taongon Cabatuan, Dimiao.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Dimiao Municipal Police Station ang suspek at driver ng Toyota Hilux patrol car na may plakang number SND 9462 na si Senior Master Sergeant Bernil, ng Jagna Municipal Police Station.
Batay sa report ng pulisya, bandang 8:33 AM Linggo naganap ang insidente sa national highway na sakop ng Barangay Tangohay, ng nasabing lungsod.
Ayon sa mga nakasaksi, sakay ang mga biktima ng motorela patungong Valencia City habang si Bernil ay galing ng Regional Trial Court Branch 50 Loay, Bohol at pabalik na sana ito sa kanilang istasyon.
Dito, bigla na lamang inararo ng suspek ang sasakyan ng mga biktima hanggang sa tumilapon sa kalsada si
Namuag na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan habang isinugo naman ang dalawa sa ospital para lapatan ng lunas ang mga natamo nilang sugat.
Posible naman maharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide, Multiple Physical Injuries ug Damage to Properties si Bernil. /Mary Anne Sapico