Home OPINION IMPLEMENTASYON NG 4PH ABOT-KAYANG PABAHAY, MAS PINABILIS NG PAG-IBIG, OSHDP

IMPLEMENTASYON NG 4PH ABOT-KAYANG PABAHAY, MAS PINABILIS NG PAG-IBIG, OSHDP

261
0

SA gitna ng lumalaking pangangailangan para sa maayos na tirahan, muling pinagtibay ng Pag-IBIG Fund at ng Organization of Socialized and Economic Housing Developers Philippines (OSHDP) ang ugnayan ng dalawang institusyon. Sa isang mahalagang pagpupulong kamakailan, nagkasundo ang dalawang panig na pabilisin ang implementasyon ng mga proyektong pabahay sa buong bansa, partikular na ang Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program.

Pinangunahan ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Ma­rilene Acosta at ng mga opisyal ng OSHDP ang diskusyon na na­ka­tuon sa pagpapalawak ng akses sa housing finance. Ayon kay Acosta, mahalaga ang papel ng mga pribadong developers upang masiguro na ang mga pa­milyang Pilipino, lalo na ang mga nasa low income hanggang middle income bracket na magkaroon ng pagkakataong mag­may-ari ng disente at abot-kayang tahanan.

Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang pagpapalakas ng digitalization efforts sa sektor ng pabahay upang mas mapadali ang proseso ng aplikasyon at sa pagbabayad. Kasama rin sa mga binigyang-diin ang mga reporma sa patakaran, pagpapalawak ng housing rental programs, at ang pagsasagawa ng mga regional housing expo.

Ang mga expo na ito ay nag­lalayong ilapit ang mga solusyon sa pabahay sa mga komunidad sa labas ng Metro Manila.

Naging sentro rin ng usapan ang paghikayat sa mas marami pang developers na sumali sa 4PH Program. Sa pamamagitan ng pagpapabilis sa mga proseso at pagbibigay ng sapat na suportang pinansyal.

Ang layunin ng Pag-IBIG at OSHDP, mapaliit ang housing back­log sa Pilipinas habang pina­ngangalagaan ang kapakanan ng mga benepisyaryo.

Ang delegasyon ng Pag-IBIG Fund ay binuo nina Deputy CEOs Alexander Hilario Aguilar at Benjamin Felix, Jr.; SVPs Fermin Sta. Teresa, Jr. at Atty. Joseph Quiboloy; VP Anthony Maglunsod; at Dept. Manager Tina Marie Ga­biosa.

Sa panig naman ng OSHDP, dumalo sina Chairman Paolo Giovanni Olivares, Vice Chairman Carson Choa, National Pre­sident Charlie Brown Tan, at mga Directors Emeritus Christopher Ryan Tan at Jefferson Bongat.

Kasama rin sina Chairman Emeritus Marcelino Mendoza, mga Director na sina Billy Reymond De Leon, Conirose Dulalia, at Francis Madlambayan, Auditor George David Siton, Cebu Chapter President Teddy Uy, at iba pang mga opisyal.

Ang alyansang ito ay ina­asahang magsisilbing mitsa ng mas progresibong sektor ng pa­bahay na direktang tutugon sa pangarap ng bawat Pilipino na magkaroon ng sariling bahay at lupa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here