Home NATIONWIDE LPA binabantayan sa loob ng PAR — PAGASA

LPA binabantayan sa loob ng PAR — PAGASA

3
0

MANILA, Philippines – Binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang isang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Huwebes, Oktubre 29.

Sa tropical cyclone formation outlook na inilabas alas-10 ng umaga, huling namataan ang LPA bandang alas-8 ng umaga sa layong 915 kilometro silangan ng Eastern Visayas.

Samantala, patuloy ding minomonitor ng Pagasa ang Typhoon In-fa na nasa labas ng PAR.

Huling namataan ang bagyo sa layong 3,540 kilometro silangan ng Central Luzon, taglay ang maximum sustained winds na 175 kilometers per hour at pagbugsong umaabot sa 215 kph.

Sa hiwalay na weather forecast ng Pagasa, makararanas ng maulap na kalangitan at pag-ulan dahil sa shear line ang Metro Manila, Calabarzon, Aurora, Bicol Region, Camarines Norte, Camarines Sur, Marinduque at Oriental Mindoro.

Apektado naman ng northeast monsoon o amihan ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Nueva Ecija. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here