Manila, Philippines – Pinatitikim ng sobra-sobrang pamba-bash si Mariel Rodriguez pagkatapos kumalat ang tsikang tatakbo siya sa pagka-senador sa 2028 elections.
Ito’y sa kabila ng kawalan ng kumpirmasyon mula sa kampo ng aktres.
Bakit daw aambisyuning maging senador ang misis ni Sen. Robin Padilla?
Dahil ba nagpahayag na ang action star-pulitiko na hindi na siya muling sasabak sa pulitika?
May mga nagsa-suggest kay Mariel na lumahok na lang daw sa fun run.
May ilan ding nagpapayo kay Mariel na tumakbo na lang sa barangay elections—na sa 2028 din itatakda.
May tsansa raw siyang manalo bilang kapitana ng barangay.
Isantabi na lang daw nito ang kanyang political ambition lalo’t kulang ang kanyang kwalipikasyon.
Ni katiting na government experience nga raw ay wala siya, ‘no!
In fairness, hindi pa beripikado ang tsikang ito.
At kung totoo man, kahit sino—even Mariel—has the right to run for public office.
So, sino tayo para hadlangan ‘yon kung sinsero naman ang kanyang layunin?