Home HOME BANNER STORY Mayorya ng mga Pinoy naniniwala, wala nang pake sa taumbayan mga ibinotong...

Mayorya ng mga Pinoy naniniwala, wala nang pake sa taumbayan mga ibinotong politiko – OCTA

289
0

MANILA, Philippines – Tila wala nang kumpiyansa at tiwala ang mamamayan sa pamamahala ng gobyerno at sa mga ibinotong pulitiko.

Ito ay matapos lumabas sa isinagawang survey ng OCTA Research na nasa tatlo sa bawat sampung Pilipino na lamang ang naniniwalang pinakikinggan sila at pinahahalagahan ang kanilang pananaw ng mga mambabatas at lokal na opisyal.

Base na rin ito sa lumabas sa Tugon ng Masa Survey ng OCTA Research kung saan 31 percent ang nagsabing pinahahalagahan sila ng mga halal na opisyal.

Mayorya naman o mahigit 61 porsyento ang nagsabing hindi at 9 na porsyento ang hindi sumagot o undecided.

Batay sa survey, tinanong ang respondents kung sa palagay nila ay pinahahalagahan ng mga ibonotong opisyal ang mga iniisip nila.

Nagpapakita ito ng malaking agwat sa pagitan ng mga opisyal at mga ordinaryong mamamayan kung saan hindi nararamdaman ng publiko ang mga ginagawa ng Kongreso sa kanilang araw-araw na pamumuhay, ayon sa OCTA.

Lumabas naman na 55 percent o mayorya ng respondents ang nagsabing may tiwala pa rin sila sa pambansang gobyerno sa pagtugon sa mga suliranin ng bansa.

Habang 20 percent sa mga tinanong ang walang tiwala at 25 percent ang undecided.

Sabi ng OCTA, hamon ito lalo’t hindi lamang ang kumpiyansa ng publiko at epektibong pamamahala ang kailangan ng mga opisyal kundi ang makita rin ng taumbayan na pinakikinggan at pinahahalagahan sila ng mga nakaupo sa pwesto.

Isinagawa ang survey nationwide noong December 3-11 ng nakaraang taon sa 1,200 adult respondents sa pamamagitan ng face-to-face interviews. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here