Home HOME BANNER STORY 12 patay, 36 nasaktan kay Basyang

12 patay, 36 nasaktan kay Basyang

186
0

MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 36 indibidwal ang nasaktan dahil sa pananalasa ng bagyong Basyang.

Kasabay nito ay nananatili sa 12 ang death toll, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa situational report na may petsang Pebrero 8, sinabi ng NDRRMC na 36 sa mga nasaktan ay sa Region 10.

Naitala naman ang siyam na nasawi sa Region 10 at tatlo sa Caraga.

‘Yung apat dito landslide from Cagayan de Oro. ‘Yung iba po, merong tatlo from Iligan City, merong isa na for verification pa, and then meron din sa isa na… due to drowning. Ganon din sa Caraga merong tatlo,” pahayag ni OCD spokesperson Junie Castillo sa panayam ng DZBB.

Iginiit ni Castillo na ang mga nasawi ay biniberipika pa.

Umakyat naman sa 700,000 ang bilang ng mga apektadong indibidwal dahil sa bagyo.

“Karamihan ng mga apektado doon sa Bagyong Basyang ay ito ngang mga kasamahan natin… dito sa Region 10, specifically ‘yung Iligan City, then meron din sa Cagayan de Oro, at sa Lanao del Norte, at saka doon din sa Caraga Region,” aniya.

Samantala, nakita rin sa report ng NDRRMC na kabuuang 43 kalsada at apat na tulay ang apektado ng bagyong Basyang.

Bukod dito, 503 tirahan ang napinsala kung saan 437 ang partially damaged at 66 ang totally damaged. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here