Home NATIONWIDE Tarriela dismayado kay Marcoleta

Tarriela dismayado kay Marcoleta

215
0

MANILA, Philippines – Dismayado si Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commodore Jay Tarriela sa pahayag ni Senador Rodante Marcoleta at sinabing hindi tama sa isang elected official ang magbalewala sa posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sa panayam, iginiit ni Tarriela na ang komento niya ay hindi bilang opisyal ng Coast Guard kundi bilang isang mamamayang Filipino.

“Bilang Pilipino, nakaka-dismaya, nakaka-galit, nakaka-disappoint bakit tayo may isang elected member of the Senate and Congress na ganito magsalita, na tila wina-walang bahala ang ating posisyon pagdating sa WPS,” ani Tarriela.

“It’s very disappointing,” dagdag pa nito.

Matatandaan na sinabi ni Marcoleta na dapat ay isuko ng Pilipinas ang Kalayaan Island Group (KIG) dahil ang ilang features nito ay nasa labas na ng exclusive economic zone ng bansa.

Kalaunan ay sinabi ni Marcoleta na sinadyang ibahin ng mga kritiko ang konteksto ng kanyang pahayag.

Para kay Tarriela, ang pahayag ng senador ay napakalinaw.

“Bakit tila baga ang pagsasalita niya ay imbis na kundenahin ang ilegal at agresibong paggalaw ng China ay tila umaayon sa interes ng People’s Republic of China at ina-undermine ang aming posisyon.”

“Para malaman nila na sa Pag-Asa may mga kabataang Pilipino, may komunidad ng mga Pilipino, at ito ang pinakamahalagang dahilan kung bakit ito ipinagtatanggol ng Armed Forces of the Philippines at ng PCG. Hindi ito dapat ipamigay,” dagdag pa.

Wala pang tugon ang kampo ni senador sa imbitasyon ng PCG. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here