MANILA, Philippines – INANUNSYO ng Malakanyang na byaheng New York, USA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa darating na March 8-11 para sa isang working visit.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na dadalo si Pangulong Marcos sa opening ng 70th session of the Commission on the Status of Women.
Magbibigay rin aniya ang Pangulo ng mensahe sa gaganaping special session ng General Assembly ng United Nations.
Makikipagpulong din ang Chief Executive sa ilang opisyal ng UN. Kris Jose