Home ENTERTAINMENT Kim at Jerald, ikakasal na sa March!

Kim at Jerald, ikakasal na sa March!

225
0

Manila, Philippines – Wala nang atrasan.

Ito ang estado ng kasado nang planong pagpapakasal nina Kim Molina at Jerald Napoles sa March ng kasalukuyang taon.

Matatandaang na-engage ang long-time sweethearts noong August 2024.

Ito’y makaraang mag-propose si Jerald kay Kim bilang magnobyo sa loob ng 10 taon at live-in partners.

As for the wedding, wala munang mga detalye ang ibinahagi nina Kim at Jerald.

Pero ani Kim: “Ako ang nag-decide nito. Noon kasing nag-propose si Je, nagulat ako. So itong kasal namin, sa amin na po muna. But of course, ise-share din naman namin ‘yung details.”

Bilang pauna, ang tanyag na si Mak Tumang ang gagawa ng wedding gown ni Kim.

Si Mak din ang nagdisensyo ng mga evening gowns nina Miss Universe 2018 Catriona Gray at MU 2025 3rd runner-up Ahtisa Manalo.

Taong 2024 pa engaged, bakit inabot ng 2026 bago idaos ang kasal?

Ani Kim, nag-ipon pa daw sila ni Jerald para sa kanilang “dream destination wedding.” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here