Home NATIONWIDE Tricycle driver na senior patay sa bangga ng patrol car

Tricycle driver na senior patay sa bangga ng patrol car

169
0

MANILA, Philippines — Patay ang isang 80-anyos na senior citizen matapos mabangga ng isang patrol car ang sinasakyan niyang motorela o tricycle sa national highway ng Barangay Tangohay, Dimiao, Bohol noong Linggo, Pebrero 8, 2026.

Kinilala ang nasawi na si Marcela Mamuag, residente ng nasabing barangay. Ayon sa pulisya, minamaneho ni Maximino Yecyec, 55, residente ng Barangay Taongon, Cabatuan, Dimiao ang motorela.

Kasama ni Marcela sa sasakyan sina Mary Ann Namuag, 45, at Crispa Joy Cabanas, 40, na kapwa sugatan at isinugod sa pinakamalapit na ospital para sa agarang lunas.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Dimiao Municipal Police Station, patungong Valencia ang motorela nang huminto ito upang magbaba ng pasahero. Sa nasabing sandali, nabangga umano ito ng patrol car ng Jagna Municipal Police Station na minamaneho ni Police Senior Master Sgt. Neil Bernil, na patungong Jagna mula sa Regional Trial Court Branch 50 sa Loay, Bohol.

Dahil sa lakas ng banggaan, nasira ang parehong sasakyan. Dead on the spot si Marcela habang patuloy na ginagamot ang iba pang biktima.

Nasa kustodiya na ng Dimiao Police Station si Bernil habang inihahanda ang posibleng pagsasampa ng kaso laban sa kanya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here