Home HOME BANNER STORY Meralco nag-anunsiyo ng taas-singil sa kuryente sa Pebrero

Meralco nag-anunsiyo ng taas-singil sa kuryente sa Pebrero

228
0

MANILA, Philippines – Nag anunsyo ng pagtaas sa singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong Pebrero matapos ang dalawang buwan ng pagbaba, ayon sa advisory ng kumpanya.

Tumaas ang rate ng 22.26 centavos kada kilowatt-hour (kWh), mula P12.9508 noong Enero tungo sa P13.1734 kada kWh. Para sa karaniwang konsumo ng 200 kWh, ito ay katumbas ng dagdag na humigit-kumulang P45 sa bill.

Ayon sa Meralco, ang pangunahing dahilan ng pagtaas ay ang mas mataas na transmission charge na tumaas ng P0.1975/kWh, kasama ang P0.770/kWh na dagdag sa universal charge para sa missionary electrification (UCME), na inaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC). Bahagyang nabawasan naman ito ng P0.1073/kWh sa generation charge dahil sa mas mababang gastos mula sa independent power producers.

Tumaas din ang charges mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) ng P1.5682/kWh dahil sa masikip na supply sa Luzon grid, at P0.0483/kWh mula sa power supply agreements (PSAs).

Samantala, ipinatutupad na rin ng ERC ang bagong lifeline threshold, na nagbibigay ng 100% discount sa mga low-income households na may konsumo na 50 kWh o mas mababa. Patuloy rin ang 35% discount para sa 51–70 kWh at 20% discount para sa 71–100 kWh.

Ani Meralco VP Joe Zaldarriaga, “We welcome this directive from the ERC which we hope will provide additional relief to our qualified customers… We reiterate our call for customers to practice energy efficiency as we approach the dry season.”

Saklaw ng Meralco ang Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, at ilang bahagi ng Batangas, Laguna, Pampanga, at Quezon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here