MANILA, Philippines – Sinabi ng pamahalaan na labag sa batas ang pag-aampon ng sanggol sa Online at hindi ito pinapahintulutan ng batas at dapat na dumaan sa legal na proseso para dito.
Ito ang sinabi ni Asec. Rowena Macalintal ng National Authority for Child Care (NACC) at binigyan diin na may mga legal na proseso na dapat sundin para adaption at hindi sa Online.
Sa ginanap na Quezon City Journalist Forum kanina Pebrero 10 (Martes) sinabi ni Asec. Macalintal na sa ilalim ng batas hindi pinapayagan ang Online adaption at hindi legal ang pagbebenta ng sanggol.
“Hindi po legal ang Online adaption dapat po tayong dumaan sa legal na proseso para dito” sabi ni Asec. Macalintal.
Ginawa ni Asec. Macalintal ang pahayag dahil sa talamak na paggamit ng facebook at iba pang online platforms para sa illegal na bentahan ng mga sanggol. Ito’y sa kabila ng pagpapatupad ng Republic Act 11642d na layuning gawing mas mabilis, simple at libre ang legal na proseso ng pag-aampon.
Ayon pa sa opisyal ng National Authority for Child Care (NACC), patuloy ang pagdami ng mga Facebook groups na ginagamit sa transaksiyong ito para sa bentahan ng mga sanggol.
Sinabi pa sa ulat na umaabot ang presyo ng bentahan ng mga sanggol—mula ₱80,000 hanggang ₱85,000—gaya ng isang kasong naitala sa blotter sa Cebu City.
Samantala kaugnay nito sinabi ni PLT Wallen Mae Arancillo spokesperson ng PNP -Anti Cycber Crime Group na wag basta basta maniniwala sa mga nakakausap sa social media at Online platforms lalo’t hindi kilala ang taong tumatawag.
Sinabi pa ni PLT Arancillo na wag din tayo magbibigay ng mga personal information sa mga online platforms at sa social media ng ating mga address, bank number at iba pang personal na information na magiging dahilan upang tayo mabiktima ng online scam.
“Huwag po tayo magbibigay ng ano mang personal na impormasyon sa mga social media at online platforms upang hindi mabiktima ng online scam” sabi pa ni LT. Arancillo. (Santi Celario)