Bulacan – Arestado ang lalaking 29-anyos nang mahulihan umano ng P102,000.00 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM), nitong madaling araw ng Pebrero 11.
Sa ulat ni PLTCOL Reyson Bagain, hepe ng SJDM police station, kinilala ang suspek na si alyas “Jomar”, 29, residente ng bayan ng Sta. Maria.
Ayon sa ulat, ikinasa ang operasyon ng mga operatiba ng SJDM police station bandang 2:47 ng madaling araw sa SJDM People’s Park, Brgy. Sapang Palay.
Nabatid na nabilihan ang suspek ng isang sachet ng hinihinalang shabu ng police undercover kapalit ang marked money kaya agad itong inaresto ng mga operatiba sa lugar.
Nakumpiska sa suspek ang marked money, karagdagang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang 15 gramo na may standard drug price na P102,0000.00.
Dinala ang suspek sa Ospital ng lungsod ng SJDM para sa medical examination na nahaharap sa kaukulang kaso habang nasa kustodiya ng istasyon. Dick Mirasol III