Home NATIONWIDE Ilang tauhan ng Dasmarinas police inireklamo sa DOJ ng mga karpintero, sekyu

Ilang tauhan ng Dasmarinas police inireklamo sa DOJ ng mga karpintero, sekyu

223
0

MANILA, Philippines – Dumulog sa Department of Justice (DOJ) ang mga karpintero at security guard sa pamamagitan ng kanilang abogado upang maghain ng reklamo laban sa ilang tauhan ng pulisya sa Dasmariñas.

Ayon kay Atty. Fatimah Villanueva, kaugnay ito sa nangyaring pananakit at ilegal na pag-aresto sa mga biktima sa kanilang pinagtatrabahuhan establisyimento sa Dasmariñas, Cavite.

Sa reklamo, sinabi ni Atty. Villanueva na ilegal umanong inaresto at sinaktan ang kanyang mga kliyente noong Disyembre 21, 2025 ng halos 20 mga pulis.

Kabilang sa mga sinaktan ang 12 karpintero na nagtatrabaho lamang sa gusali.

Inimbitahan naman sa Police station noong Enero 6, 2026 ang pitong security guard na naka-base dito lamang sa lugar at inaresto umano nang walang warrant of arrest.

Sinasabing nag-ugat ang pag-aresto sa isyu ng ownership o pagmamay-ari ng gusali, kung saan pinaalis ang mga karpintero at security guard at sinampahan ng kasong trespassing ng mga pulis sa Dasmariñas.

Umabot umano sa apat na araw na nakadetine ang mga kliyente ni Villanueva, na umano’y nakaranas ng pananakit habang nasa kustodiya.

“Merong isang karpintero na nung nagtanong yung ginagawa bakit sila inaresto, tinutukan ng baril sa batok, sinubo yung baril sa bibig yung isa naman pinukpok ng baril sa ulo yung isa tinapakan yung ulo mga ganun,” pahayag ng abogado.

Banta umano sa buhay ng kaniyang mga kliyente ang rason kung bakit sa DOJ nila inihain ang reklamong illegal arrest at arbitrary detention at perjury.

Una na silang naghain ng dalawang administratibong kaso laban sa mga pulis sa National Police Commission kung saan sangkot umano ang hepe ng Dasmariñas Police at mga tauhan nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here