Home NATIONWIDE MARINA inatasan ng DOTR na magsampa ng kasong administratibo vs Aleson sa...

MARINA inatasan ng DOTR na magsampa ng kasong administratibo vs Aleson sa ferry tragedy

183
0

MANILA, Philippines – Inatasan ng Department of Transportation (DOTr) ang Maritime Industry Authority (Marina) na magsampa ng mga kasong administratibo laban sa passenger fleet ng Aleson Shipping Lines, ang may-ari ng MV Trisha Kerstin 3, na lumubog sa baybayin ng Basilan at kumitil ng 51 buhay.

Ito ay kasunod ng pagtatapos ng maritime investigation ng Philippine Coast Guard (PCG) at Marina tungkol sa Aleson at mga crew nito.

Ayon kay Lopez, inatasan ang MARINA na magsampa ng kaso upang matukoy kung dapat bawiin ang prangkisa ng Aleson Shipping Lines.

Batay sa imbestigasyon, maaaring “overloaded” ang MV Trisha Kerstin 3, at ang rolling cargo nito ay hindi dumaan sa weighing bridge sa pantalan.

Dagdag pa niya, “Ang MV Trisha Kerstin 3 ay may mga safety deficiencies, ngunit nabigyan pa rin ito ng seaworthiness certificate.”

Noong madaling araw ng Enero 26, ang RoRo passenger vessel na umalis mula Zamboanga City patungong Jolo, Sulu, ay lumubog malapit sa Barangay Baluk-Baluk Island sa Hadji Muhtamad, Basilan.

Umabot na sa 51 ang kabuuang bilang ng mga nasawi, kinumpirma ng Philippine Coast Guard noong Pebrero 10. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here