MANILA, Philippines – Patay ang isang estudyante matapos tumalon mula sa mataas na bahagi ng LRT-1 Fernando Poe Jr. station nitong Miyerkules, Pebrero 11.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, ang mag-aaral ay natukoy na estudyante ng Philippine Christian University ang naturang mag-aaral base sa nakuhang identification card.
Nasa tatlong palapag ang tinalon ng estudyante sa naturang istasyon.
Sa viral video sa social media, makikita ang pagbagsak ng estudyante mula sa istasyon ng LRT na natamaan naman ng isang dumaraang sasakyan sa baba nito.
Nakaladkad ang katawan ng estudyante mula sa pinagbagsakan sa northboundlane ng EDSA.
Idineklarang dead on the spot ang estudyante sa kabila ng pagsagip ng mga first responder.
Kinumpirma naman ng ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang naturang insidente sa pamamagitan ng isang pahayag.
“LRMC confirms an incident involving a male individual at LRT-1 Fernando Poe Jr. Station earlier today,” pahayag ng LRT management.
Makikipagtulungan ang LRMC sa mga awtoridad kasabay ng pakikiramay sa pamilya ng biktima. RNT/JGC