Home METRO Sundalo tigok sa senglot na kabaro sa loob ng kampo

Sundalo tigok sa senglot na kabaro sa loob ng kampo

170
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang sundalo matapos barilin ng kaniyang kabaro sa loob ng Camp General Macario Peralta Jr. sa Jamindan, Capiz, matapos ang isang inuman.

Kinilala ang biktima bilang Private First-Class Wencel Jay Puntuan mula sa Libungan, Cotabato, na inihatid ang suspek na si Private First-Class Rosarjoe Manajero mula sa Lambunao, Iloilo, sa barracks dahil sa labis na kalasingan ng suspek.

Ayon kay Police Captain Jaypee Silvestre, hepe ng Jamindan Municipal Police Station, narinig ng kanilang mga kasamahan ang sunod-sunod na putok ng baril sa loob ng barracks.

Idineklarang dead on arrival si Puntuan sa ospital dahil sa tama ng bala sa ulo mula sa 5.56mm na baril. Agad namang inaresto ng ibang sundalo ang suspek.

Parehong nakatalaga ang dalawa sa Operation Control Unit ng 3rd Infantry Division.

Ayon kay Captain Jessie Jun Ebalan, tagapagsalita ng 3rd ID, makikipagtulungan ang Philippine Army sa imbestigasyon ng pulisya at papanagutin ang suspek.

Mag-iimbestiga rin ang Army tungkol sa ipinagbabawal na inuman sa loob ng kampo.

Haharap si Manajero sa kasong kriminal at administratibo, na maaaring magdulot ng pagtanggal sa serbisyo. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here