Home OPINION NAGKAKATAKUTAN SA MGA PULIS

NAGKAKATAKUTAN SA MGA PULIS

249
0

BAKIT kaya hindi mapigilan ang mga pulis na gumawa ng kalokohan?

Lalo na sa paggawa ng pera?

Nasaan ang mga bunga ng pagsisikap ng pamunuan ng pulisya upang mapigilan habang maaga ang mga pulis na gumawa ng mga krimen laban, lalo na sa mga maliliit na mamamayan?

At kung gumawa ng pera ang mga ito, grupo-grupo.

Ang nakatatakot, mga Bro, may tsapa, uniporme at baril ang mga ito na sapat o labis nang kinatatakutan ng sinomang kanilang mga binibiktima sa pangingikil o pagnanakaw.

PANGINGIKIL SA DROGA

Pinakahuling pangyayari ang pangingikil umano ng 10 pulis-Angono sa isang criminology student na si Nestor Makabenta Jr. sa mismong Angono, Rizal.

Sinabi ni Makabenta na hinuli siya ng mga pulis noong Nobyembre 10, 2025 at inakusahan siyang bumibili ng droga mula sa dalawang suspek na nahuli sa nasabi ring lugar sa isang buy-bust operation.

Habang naka-detain siya, hiningan siya ng mga pulis ng P100,000 para sa kanyang paglaya ngunit tumawad siya sa halagang P50,000 dahil anomang mahahawakan niyang pera ay kailangan ng buntis niyang partner.

Pumayag naman umano ang mga pulis sa P50,000 ngunit hindi pa rin siya pinalaya hanggang sa ibasura ng Prosectuor’s Office ang kanyang kaso bago magtapos ang Enero 2026.

Nang makalaya na si Makabenta, dumulog agad ito sa mga kinauukulan na umaksyon naman kaagad.

Hinuli ang mga pulis saka dinisarmahan ang mga ito at inilagay sa restrictive custody sa ilalim ng Administrative Holding Section ng Rizal Police Provincial Office.

NOSI BALASI?

Inilarawan lamang ng National Police Commission ang mga suspek na binubuo ng isang kapitan, police chief master sergeant, dalawang master sergeant, limang staff sergeant, at isang police corporal, pawang nakatalaga sa anti-drug unit ng PNP Rizal.

Ayon kay Napolcom Executive Officer Rafael Calinisan, nahaharap na ang mga pulis sa mga kasong kriminal na pagtatanim ng ebidensiya, robbery, extortion, at illegal arrest.

Inihayag naman ng Police Regionaol Office 4A o Calabarzon na magsasagawa sila ng sarili nilang imbestigasyon upang malaman ang pananagutan ng mga pulis, matiyak na masusunod ang due process habang nakikipagtulungan sila sa Napolcom sa imbestigasyon nito.

MABILIS SA PAG-AKSYON

Ang sinasaluduhan natin talaga ay ang mabilis na pagkilos ng mga pulis na umaksyon sa mga reklamo ng mga mamamayan laban sa kanilang hanay.

Ngunit hindi talaga magandang isipin na marami pa rin ang iskalawag na hindi sumusunod sa mga batas na kanilang dapat matapat na sundin at ipatupad.

‘Yun bang === sa buod, eh, “Serve and Protect” the people.

MGA BENEPISYO NASAAN?

Sa pakikipanayam ng ating Uzi sa maraming pulis sa mga rehiyon, gaano kaya katotoo ang mga reklamo nilang may mga benepisyo silang dapat tinatanggap ngunit hindi ibinibigay ng mga nakatataas?

At kaya takot silang magreklamo ay ipinatatapon sila sa malalayong lugar gaya ng Mindanao?

Mabuti pa umano ang mga sundalo at binubusog sila ng pamahalaan ngayon.

PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez, sir, baka pwede mong silipin ang reklamo ng mga pulis na ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here