Home OPINION TAGA-KONGRESO, TAGA-PALASYO UNCONSTITUTIONAL PERO SI VP SARA MAY SALA?

TAGA-KONGRESO, TAGA-PALASYO UNCONSTITUTIONAL PERO SI VP SARA MAY SALA?

2
0

LUMIKHA ang pinakahuling desisyon ng Supreme Court ng napakalaking usapin kung sino-sino ang nambababoy sa salaping bayan sa nakalipas na tatlong taon mula 2024 hanggang sa ngayong 2026.

Maliban sa dalawa na hindi sumali sa pagdedesisyon, nagkaisa o unanimous ang 13 Hukom, kasama si Chief Justice Alexander Gesmundo, sa pag-apruba sa isinulat na desisyon ni Senior Associate Justice Marvic Leonen na labag sa 1987 Constitution ang mga pambansang badyet sa ilalim General Appropriations Act noong 2024 at 2025 at bahagi ng 2026.

Ayon sa desisyon, nilabag ang Konstitusyon nang sobrahan ng P449.5 bilyon ng mga kongresman ang panukalang National Expenditure Program sa ilalim ng unprogrammed funds na P281.9B at naging P731.4B sa kabuuan noong 2024.

Noong 2025, dinagdagan ng Kongreso ng P17.99B ang pondo para sa Special Road Fund.

Ngayong 2026, may P12.75BB dagdag-pondo para sa special accounts sa ilang ahensya sa ilalim ng pangkalahatang badyet.

Sa 2026 pa rin, ganap na pinagbawalan ang pamahalaan na maglabas ng anomang pondo sa ilalim ng Special Provisions 1(a) and (b) of Chapter XLIII dahil sa kawalan ng panuntunan at pagpaprayoridad at kabuuan o lump sum na pamimigay ng pondo.

Sinasabi ng Department of Budget and Management na wala umanong inilabas ng pondo para rito ngunit marami ang nagdududa.

Sa partikular, idinaan sa Strengthening Assistance for Government Infrastructure and Social Programs (SAGIP) ang mga kontrobersyal na “allocables” o pondong pangkikbak at napaloob dito ang mga flood control program, Sustainable Infrastructure Projects Alleviating Gap (SIPAG), DOH medical assistance to indigents, Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged or Displaced Workers Program (TUPAD).

Sa desisyon, kumpirmadong may sala ang mga utak, nagpanukala at nagsagawa ng mga paglabag sa Konstitusyon at nasa Kongreso at Palasyo ang mga ito, kasama ang maraming kongresman at prosekusyon sa kasong impeachment at marami sa Senado at Impeachment Court.

Pero nakapagtatakang si VP Sara ang dinidikdik sa korapsyon at pandarambong kahit hindi pa napatutunayan hanggang ngayon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here