Home HOME BANNER STORY 9 utas, 27 sugatan sa Canada mass shooting; DFA nakabantay sa Pinoys

9 utas, 27 sugatan sa Canada mass shooting; DFA nakabantay sa Pinoys

167
0

MANILA, Philippines – Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Miyerkules na mahigpit nitong binabantayan ang insidente ng mass shooting sa Tumbler Ridge, British Columbia, Canada.

Apektado ng insidente ang Tumbler Ridge Secondary School at isang kalapit na tahanan.

Ayon sa pahayag ng DFA, ang Philippine Consulate General sa Vancouver ang sumusubaybay sa sitwasyon at nagtatrabaho upang matukoy ang lahat ng Pilipino sa lugar.

“As of this time, there is no official confirmation regarding the identities or nationalities of the casualties. The Consulate is working proactively to account for all members of the Filipino community in the region and stands ready to provide immediate consular assistance to any affected kababayans and their families,” ayon sa pahayag.

Napaulat na siyam na katao ang nasawi—pito sa paaralan—at 27 ang sugatan, kabilang ang dalawa na may malubhang pinsala, ayon sa Royal Canadian Mounted Police (RCMP). Iniulat na nagpakamatay ang suspek.

Iniulat ng Canadian media na babae ang suspek, ngunit hindi kinumpirma ng RCMP ang pagkakakilanlan nito.

Ang mga Pilipino sa lugar na nangangailangan ng tulong ay maaaring makipag-ugnayan sa Konsulado sa 24/7 emergency hotline na 604-653-5858 o sa email na [email protected]. Dave Baluyot
.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here