Home NATIONWIDE FFCCCII may babala sa pagdeklarang persona non grata sa Chinese envoy

FFCCCII may babala sa pagdeklarang persona non grata sa Chinese envoy

1
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) sa pagdeklara kay Chinese Ambassador Jing Quan na persona non grata.

Anila, ang hakbang ay maaaring magdulot ng kaparehong aksyon laban sa ambassador ng Pilipinas sa Beijing.

Dahil dito ay hinimok ni FFCCCII president Victor Lim ang Chinese Embassy at pamahalaan ng Pilipinas na pumasok sa dialoguye at pahupain ang tensyon sa halip na magpalitan ng tirada online.

Nagbabala rin si Lim na maaari itong makaapekto sa trade relations sa pagitan ng Pilipinas at China.

“Sana ’wag… calm down na lang para our economy will be moving forward,” ani Lim.

Noong Martes ay inihain sa Senado ang resolusyon na humihimok kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ideklara si Jing na persona non grata at hilingin sa Chinese government na bawiin ito.

Bilang tugon sa Senate resolution ay nagbabala naman ang Chinese Embassy sa Manila ng kaparehong aksyon.

“Since you don’t welcome us, we don’t welcome you, either. Fair enough,” sinabi ng embahada.

Ipinaubaya naman ng Malakanyang sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang usapin at sinabing hindi rin pabor si Marcos sa pagdeklara sa foreign envoys na persona non grata.

“Hindi rin nais ng Pangulo itong mga pangyayaring palitan ng mga maaanghang na salita. Nais ng Pangulo, again, maganda na relasyon,” pahayag ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here