Home METRO Abogado ng mga suspek sa policewoman slay, umatras sa kaso

Abogado ng mga suspek sa policewoman slay, umatras sa kaso

203
0

MANILA, Philippines – Umatras ang abogado ng mag-asawang suspek sa pagpatay kay Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido at sa kanyang walong taong gulang na anak na si John Ysmael, ayon sa Quezon City Police District (QCPD) nitong Miyerkules.

Ayon kay Police Major Jennifer Gannaban, tagapagsalita ng QCPD, hindi natuloy ang preliminary investigation na nakatakda noong Pebrero 11 dahil sa pagbabago ng kanilang legal counsel.

“Kanina nga pong umaga, Pebrero 11, naka-schedule po yung preliminary investigation noong suspects dito sa Mollenido case. However, hindi po ito natuloy dahil nag-withdraw po yung counsel nila,” ani Gannaban.

Dagdag niya, kumuha na ngayon ang mag-asawa ng abogado mula sa Public Attorney’s Office. Ang bagong iskedyul para sa preliminary investigation ay itinakda sa Pebrero 16.

Natagpuan ang katawan ni Diane noong Enero 24 sa Pulilan Bypass Road, Barangay Dulong Malabon, Pulilan, Bulacan, na may tama ng bala sa ulo. Natagpuan naman si John Ysmael noong Enero 29 sa isang calamansi farm sa Barangay Maluid, Victoria, Tarlac.

Ayon sa mga imbestigador, kaugnay ang pagpatay sa isang nabigong bentahan ng sasakyan sa Quezon City noong Enero 16.

Tatlong suspek, kabilang ang isang car agent, ang kanyang partner, at isang kasabwat, ang nahaharap sa reklamo para sa dalawang counts ng robbery with homicide at theft sa Quezon City Prosecutor’s Office. Isang babaeng suspek, kapatid ng asawa ng car agent, ay sumuko kamakailan sa mga awtoridad.

Ang dating asawa ni Diane, Police Senior Master Sergeant John Mollenido, ay itinuturing pa ring person of interest, na may kasong obstruction of justice laban sa kanya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here