Home NATIONWIDE Pinas hinimok Tsina sa diplomatikong ugnayan matapos ang ‘Kalayaan 16’ ban

Pinas hinimok Tsina sa diplomatikong ugnayan matapos ang ‘Kalayaan 16’ ban

190
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang China na panatilihin ang konstruktibong ugnayan at pagpapalakas ng people-to-people exchanges matapos pagbawalan ang tinaguriang ‘Kalayaan 16’ na mga lokal na opisyal ng Kalayaan, Palawan na makapasok sa China, kabilang ang Hong Kong at Macau.

Ang hakbang ng China ay sumunod sa deklarasyon ng Kalayaan municipal government na persona non grata si Chinese Ambassador Jing Quan dahil sa umano’y paglabag sa diplomatic protocol at pakikialam sa internal na gawain ng Pilipinas.

Ayon kay DFA spokesperson Angelica Escalona, kinikilala ang soberanyang karapatan ng China na limitahan ang pagpasok, ngunit iginiit niya na ang ganitong hakbang ay hindi nakatutulong sa pagpapatibay ng bilateral relations o sa pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng mga mamamayan, na parehong layunin ng Pilipinas at China.

Binanggit naman ni Rogelio Villanueva Jr., DFA Spokesperson sa Maritime Affairs, ang kahalagahan ng bukas at respetadong talakayan sa mga dayuhang kapwa, at hinimok ang embahada ng China na magpahayag ng mga pahayag nang mahinahon at propesyonal upang mapanatili ang malusog na dayalogo at maisulong ang kabuuang bilateral relations sa kabila ng mga hindi pagkakaintindihan. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here