Home NATIONWIDE Agarang tulong, recovery sa Basyang-hit areas, ipinag-utos ni PBBM

Agarang tulong, recovery sa Basyang-hit areas, ipinag-utos ni PBBM

163
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang agarang mobilisasyon ng mga kinauukuang ahensiya ng gobyerno upang masiguro ang mabilis na pagbangon at pagbawi ng mga pamilyang apektado ng Tropical Storm Basyang (international name Penha).

Nagbigay ng direktiba si Pangulong Marcos sa isang pulong kasama ang mga piling miyembro ng kanyang Gabinete at mga gobernador kabilang sina Gov Damian Mercado ng  Southern Leyte, Gov Humerlito Dolor ng Oriental Mindoro, Gov Eduardo Gadiano ng Occidental Mindoro, Gov Ralph Evardone ng Eastern Samar, Gov Harris Ongchuan ng Northern Samar, Gov Carlos Petilla ng Leyte, Acting Gov Arnold Tan ng Samar, at Gov Patrick Azanza ng Catanduanes na pawang mula sa calamity-hit areas sa Palasyo ng Malakanyang.

“Nagbigay ang Pangulo ng direktiba na pasimplehin ang mga proseso at tiyaking mabilis na makarating ang tulong sa mga pamilyang nangangailangan,” ang sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) sa isang Facebook post, araw ng Huwebes.

Binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng maagang pagpalalabas ng pondo para sa mga paghahanda bago pa tumama ang kalamidad, pagpapabilis ng mga proseso upang agad na maipamahagi ang tulong at pagtutok sa mabilis na distribusyon ng binhi para makapagsimulang muli ang mga magsasaka.

“Tinalakay rin ang paghahanda ng financial assistance at pagpapalakas ng river clearing operations upang mabawasan ang panganib ng muling pagbaha,” ang sinabi ng PCO.

Sinasabing gumugol ang gobyerno ng mahigit sa P9.2 milyong piso para sa pamamahagi ng tulong sa1,297 apektadong pamilya, ayon sa situation report na ipinalabas ng National Disaster Reduction and Management Council (NDRRM).

May kabuuang 182,352 pamilya o 645,612 katao mula sa 1,285 barangay ang na-displaced sa panahon ng pananalasa ng bagyong Basyang. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here