Home HOME BANNER STORY Ikatlong arrest warrant inilabas vs Atong Ang; pabuya itinaas sa P20-M

Ikatlong arrest warrant inilabas vs Atong Ang; pabuya itinaas sa P20-M

198
0

MANILA, Philippines – Itinaas sa P20 milyon ang bounty para sa negosyante na si Atong Ang, ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla nitong Huwebes.

“We are increasing the bounty for Atong Ang to P20 million for information leading to his arrest. We’re serious here,” ani Remulla sa press briefing sa Quezon City. Idinagdag niya na gagamitin ang confidential funds ng PNP at DILG para sa kaso at “There’s no Chippy or Piattos here.”

Si Atong Ang ay wanted sa mga korte sa Laguna at Batangas kaugnay ng kaso ng kidnapping dahil sa pagkawala ng hindi bababa sa 34 cockfighting aficionados mula 2021 hanggang 2022.

Kinumpirma rin ng Department of Justice (DOJ) na may ikatlong arrest warrant na inilabas laban kay Atong Ang.

Ayon kay DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez, bagama’t hindi pa natatanggap ng panel ng mga prosecutors ang opisyal na kopya ng arrest order, nakumpirma na ng Branch Clerk of Court ng San Pablo, Laguna Regional Trial Court Branch 29 ang pagkakaroon ng warrant.

Ang arrest order ay kaugnay sa kaso ng kidnapping with homicide at kidnapping with serious illegal detention, na non-bailable offense. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here