MANILA, Philippines – Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, bibili ang DILG ng drones na may LiDAR (light detection and ranging) para tulungan ang pulisya sa paghahanap sa mga high-profile fugitives.
Ani Remulla, kayang makita ng LiDAR ang ilalim ng mga puno at makakatulong sa mas epektibong manhunt.
Plano itong ideploy sa mga susunod na buwan para sa kaso nina Bantag, Atong Ang, at sa nalalapit na indictments sa flood control scandal.
Si Bantag ay pinaniniwalaang nagtatago sa Cordillera at inakusahan sa pagpatay kay radio broadcaster Percival “Percy Lapid” Mabasa noong 2022.
Si Atong Ang naman ay hinahanap sa Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon, kaugnay sa umano’y pagdukot at pagpatay sa 34 sabungeros noong 2021–2022.
Tungkol sa flood control scandal, sinabi ni Remulla na wala pa siyang tiyak na detalye kung sino ang ia-issuehan ng indictment, pero aabangan ang mga ito.
Sa ngayon, pito sa mga akusado sa anomalous P289.5-milyong road dike project sa Oriental Mindoro ang nananatiling “at large”. RNT/MND