Home LIFESTYLE Gayuma sa Quiapo, Baclaran in-demand bago mag Valentine’s day

Gayuma sa Quiapo, Baclaran in-demand bago mag Valentine’s day

397
0

MANILA, Philippines – Tumaas ang bentahan ng love potions sa paligid ng Baclaran at Quiapo churches ngayong papalapit ang araw ng mga puso.

Ayon sa mga vendors, ginagamit ito para mapasuyo ang iba o patatagin ang relasyon.

May iba’t ibang uri anila ng love potions gaya ng “love juice” na mabibili ng P150 kada bote, “love oil” na nagkakahalaga ng P500 kada bote, at love spells. Kabilang din sa mabenta ang colored candles at charms.

Ayon sa vendors, kadalasan, ang epekto nito ay makikita sa loob ng isang linggo.

Ngunit nagbabala ang FDA na walang siyentipikong patunay na epektibo ang mga potions at maaari pang maging panganib sa kalusugan. Pinayuhan din ang mga gumagawa na ilagay ang tamang label at ingredients ng produkto.

Bukod dito, maraming couples ang bumibisita sa Redemptorist Church sa Baclaran para i-“lock” ang kanilang pag-ibig sa grotto ni Saint Therese of Lisieux. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here