MANILA, Philippines – Iginiit ni Sen. Rodante Marcoleta na maling pagkaintindi ang naging batayan sa kanyang pahayag tungkol sa Kalayaan Island Group (KIG) at Exclusive Economic Zone (EEZ).
Ayon sa kanya, ang sinabi niyang “give up” ay para lamang sa pagmamapa ng lugar at hindi para isuko ang teritoryo ng bansa.
“Atin yun eh. Ngayon, kung hindi natin igi-give up, hindi po nyo maido-drawing,” ani Marcoleta.
Pinabulaanan niya rin ang akusasyon na siya’y traydor, at iginiit na layunin lamang niyang palakasin at lagyan ng legal na basehan ang claim ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Samantala, nag-react ang mga residente ng KIG, na nagplano na magsampa ng resolusyon sa Sangguniang Pambayan ng Kalayaan upang tanggalin ang pahayag ni Marcoleta sa talaan ng Senado.
Ayon kay Vice Mayor MP Albayda, “We were offended… ano’ng silbi ng bayan namin?” RNT/MND