Home ENTERTAINMENT Herlene, college graduate na!

Herlene, college graduate na!

160
0

Manila, Philippines – True to her promise, tinapos nga ni Herlene Budol ang kanyang college studies.

At ngayon nga, wala nang maaaring mangutya sa kanya–certified college graduate na ang dati ring beauty queen.

Nagtapos lang naman si Herlene ng kursong Bachelor of Science in Tourism Management.

Proud ngang ipinagbanduhan ng Kapuso actress sa Instagram ang kanyang post with matching two photos na naka-toga siya.

Obyus na mas kinabog pa ni Herlene ang may international beauty title–base na rin sa kanyang abot-tengang ngiti.

Ang magkaroon naman ng college diploma ang sinabi ni Herlene na pangarap niya.

Ito’y para na rin sa pagnanais niyang kumawala sa bansag noon sa kanya bilang Hipon Girl na “squammy.”

Aminado si Herlene noon na kumuha siya ng tutor para sa pagsasalita ng Ingles na handicap niya.

Congrats on your new milestone, “Binibining Marikit”! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here