Home ENTERTAINMENT Dahilan ng pag-ngawa ni Mark, tinukoy na!

Dahilan ng pag-ngawa ni Mark, tinukoy na!

210
0

Manila, Philippines – A home and a house are two different things.

Puwede kasing literal ang pakahulugan sa bahay, at figurative naman ang tahanan.

But whichever way it is, tila may kunek ang bahay at tahanan sa dahilan ng paghagulgol ni Mark Herras base sa video na siya mismo ang nag-post kamakailan.

Ang description kay Mark–balisa at nalilito.

May ilang tagpo ring nagyoyosi siya, nakasandal sa pader, nagbibihis at naglalakad nang naka-hoodie.

Ganoon na lang din ka-worried ang mga showbiz friends ni Mark.

Sa latest followup ng PEP, tila natukoy na ang dahilan sa pag-iyak ni Mark.

May tanong kung kunektado daw ba ito sa bagong bahay nila ng asawang si Nicole Donesa.

What about the house–may unsettled debts ba si Mark sa pagpapagawa nito sa Quezon City?

Ito ba’yung iniiyak-iyak niya bilang atraso sa pinagkakautangan niya lalo’t wala siyang regular income sa showbiz?

The “house element” in its literal sense ay na-address na–what about ‘yung “tahanan” which revolves around family?

Totoo nga bang in-unfollow na nina Mark at Nicole ang isa’t isa sa Instagram?

Totoo din ba na ang intact lang doon ay mga posts ni Nicole after she gave birth to their second child?

Ano’ng cause ng kanilang marital spat kung meron man?

Harinawa’y malampasan ni Mark ang dalahin niyang ito. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here