Home OPINION PINAS, TINIMBANG NGUNIT KULANG SA KORAPSYON

PINAS, TINIMBANG NGUNIT KULANG SA KORAPSYON

202
0

NALAGAY sa napakaalanganing kalagayan ang mahal kong Pinas sa mata ng ibang mga bansa sa usaping korapsyon.

Mula sa mataas na ranggo noong 2014, tuloy-tuloy na bumagsak sa 2025.

Sa mga susunod na mga taon, ano-ano kaya ang magiging ranggo natin?

PANG-120 MULA SA 182 BANSA

Ayon sa Transparency International, nitong 2025, naging pang-120 mula sa 182 bansa ang Pilipinas ang ranggo ng Pinas sa korapsyon.

Napakababang ranggo ito mula sa 1 hanggang 10 na pinakamalinis na bansa na nakamit ng Finland, New Zealand, Norway, Singapore, Sweden, Switzerland, Netherlands, Germany at Luxembourg, ayon sa pagkakasunod.

Kahit pa sa ilang Association of Southeast Asian Nations o ASEAN, mababa pa rin tayo kumpara sa Malaysia na pang-54, Brunei – pang-63, Timor-Leste pang-73, Vietnam pang- 81, Laos – pang-109, Indonesia – pang-109 at Thailand – pang-116.

Ayon pa sa Transparency International, bagsak ang ranggo ng Pinas kumpara sa sukatang katamtamang 45 para sa mga bansang nasa Asya-Pasipiko at lalong bagsak ito sa pandaigdigang katamtamang sukatan na 42. Ang sukatan ay mula 1 na pinakamalinis sa korapsyon hanggang 100 na pinakakorap.

Pinakamasamang ranggo talaga ang rekord ng Pinas sa 2025 sa nakalipas na 10 taon dahil noong 2014 na panahon ni ex-President Noynoy Aquino, pang-85 ito sa 175 bansa at pang-117 naman mula sa 180 bansa noong 2022 sa ilalim ni dating Pang. Rodrigo Duterte.

Isa pa, sa naunang dalawang taon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., medyo gumanda ang ranggo na pang-114th mula sa 180 bansa ang Pinas noong 2023 at ngunit dumausdos ito sa pang-115 mula sa 180 bansa noong 2024 at sa 2025 nga, naging pang-120 na.

IPINAGMALAKI

Ayon sa Malakanyang, inasahan na nilang lalabas ang pagiging bagsak na ranggo ng Pinas dahil sa magandang ginawa ni Pang. Bongbong na pagsisiwalat ng katiwalian.

Higit pa, pagtutuwid umano sa korapsyon ang ginawa ni Marcos mula sa nakaraang kabulukan ngunit hindi binalik-tanawan ng Malakanyang ang unang ikatlong taon ng administrasyong Duterte na pang-113 lang ang Pinas sa 80 bansa noong 2019 at sumama lang sa huling taong nito noong 2022.

Kahit pa may katotohanan na pagtutuwid sa pang-117 na ranggo ng Pinas noong 2022 ang paglalabas ng kabulukan ni Marcos, hindi pa rin maganda ang ranggo ng Pinas na bumagsak sa pang-120.

Lalo na kung isiping, lahat ng mga inimbestigahan sa Senate blue ribbon committee ay nagsabing sa panahon ni Noynoy, nasa 10% lang ang kikbakan at sa panahon ni Digong, nasa 15% ngunit lumundag ang kikbakan sa 25-30% sa panahon ni Bongbong.

At ang pinakamasama, mga Bro, umabot sa Malakanyang ang akusasyon ng bilyon-bilyong pisong kikbakan.

Batay rito, pupwede bang ipagmalaki ng sinoman na lumitaw lang ang rekord ng korapsyon nang palitawin ito ng Malakanyang simula noong State of the Nation Address noong 2025?

Para kay Atty. Rowena Guanzon, ang ginawa ng mga nasa administrasyon ngayon, itodo nila ang pagnanakaw sa unang tatlong taon at sa huli, gusto nilang magmukhang mga hero o bayani laban sa korapsyon pagkatapos.

Mahiya naman tayo!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here