Home METRO Sunog na bangkay sa N. Vizcaya, malaking posibilidad na ang nawawalang Tourism...

Sunog na bangkay sa N. Vizcaya, malaking posibilidad na ang nawawalang Tourism stude

183
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng pulisya ngayong Biyernes na malaki ang posibilidad na ang natagpuang sunog na bangkay ng babae sa Quezon, Nueva Vizcaya ay ang estudyanteng napaulat na nawawala, batay sa paunang pagkakakilanlan ng pamilya.

Ayon kay PMaj. Santy Ventura, hepe ng Quezon Municipal Police Station, nakilala ng ama ang bangkay sa pamamagitan ng mga kasuotang hindi nasunog.

“Na-identify ng father through her socks, shoes, at pants na suot ng biktima… Hindi kasi nasunog ‘yung buong katawan. Ang pinakanapuruhan is ‘yung upper body niya, hindi nasunog ‘yung sa bandang paa niya… Siya po ‘yung nawawalang student,” ani Ventura.

Gayunman, isinailalim pa rin sa DNA testing ang bangkay upang tuluyang matiyak ang pagkakakilanlan.

“Although apparently identified by her father, DNA samples were collected from the father and victim for further identification,” dagdag ni Ventura.

Ang biktima ay second year Tourism Management student sa isang unibersidad sa Bayombong. Ayon sa kanyang ama, huli niya itong nakita noong Martes, February 10, nang umalis ito para pumasok sa klase.

“According to her father, supposedly papasok siya sa klase niya that day. But according sa classmate at professor niya, hindi na siya nakapasok that day, February 10. So, hindi na siya talaga umabot ng school that day,” ani Ventura.

Natagpuan ang bangkay noong Huwebes ng umaga, February 12, ng mag-asawang naglalakad kasama ang kanilang alagang aso sa gilid ng kalsada. Ang aso umano ang nagturo sa kinaroroonan ng bangkay matapos itong maamoy.

Hinala ng pulisya na sa ibang lugar sinunog ang katawan at itinapon lamang sa pinagtapunan.

“Mukhang hindi doon sinunog, possible na may ibang lugar na pinagsunugan ng katawan at dinala lang sa area… Approximately 400 to 500 meters ang distance dun sa bahay nung nawawalang estudyante,” ani Ventura.

Patuloy na nangangalap ng ebidensya at testigo ang pulisya, kabilang ang pagsusuri sa mga CCTV footage.

“Naka-concentrate tayo sa backtracking ng CCTVs… Merong CCTV video sa municipality of Quezon and lumabas din Talaga siya ng Quezon. So, were trying to collaborate with our neighboring stations para mas mapabilis ang investigation natin,” ani Ventura.

Sa ngayon, may person of interest nang iniimbestigahan ang pulisya habang patuloy na inaalam ang motibo sa krimen. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here