Inaresto ng pulisya ng Italya ang isang Slovak na pugante matapos itong bumalik sa bansa upang suportahan ang kanyang koponan sa Winter Olympics, makalipas ang 16 na taong pagtatago, ayon sa ulat ng ANSA news agency noong Huwebes.
Ang 44-anyos na suspek ay patungo sana sa Santa Giulia arena sa Milan noong Miyerkules upang manood ng laban ng ice hockey ng Slovakia nang siya ay mahuli at dalhin sa San Vittore prison.
Nabatid na natunton ng mga awtoridad ang kanyang kinaroroonan matapos siyang mag-check in sa isang guesthouse.
Ayon sa ANSA, kailangan na niyang pagdusahan ang mahigit 11 buwang pagkakakulong kaugnay ng serye ng mga kasong pagnanakaw na ginawa niya noong 2010. RNT