Home HOME BANNER STORY Sen. Sotto, sinampahan ng indirect contempt sa SC ng mga abogado

Sen. Sotto, sinampahan ng indirect contempt sa SC ng mga abogado

233
0

MANILA, Philippines – Sinampahan na ng grupo ng mga abogado ng indirect contempt sa Korte Suprema si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ngayong Biyernes ng hapon, Pebrero 13.

Pinangunahan ni Atty. Ferdinand Topacio ang paghahain ng kaso laban sa senador kaugnay ng pagkuwestiyon nito sa ruling ng Korte Suprema sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

Giit ni Topacio, ang ilang pahayag ni Sotto ay maaaring makasira sa reputasyon ng Korte Suprema at magpababa ng tiwala ng publiko sa hudikatura.

Ayon pa sa kanya, lumalampas na sa “legitimate commentary” ang mga sinabi ni Sotto at nakasisira sa kredibilidad ng SC, kabilang ang pahayag na mas magaling pa umano ang first-year law student kaysa sa mga mahistrado at hindi raw naintindihan ni Senior Associate Justice Leonen ang Konstitusyon.

Nilinaw din ni Topacio na ang paghahain ng petisyon ay hindi layong patahimikin si Sotto, ngunit dapat aniya itong sumunod sa limitasyon ng batas sa contempt.

Hinamon din niya ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na ipagtanggol ang Korte Suprema sa halip na manahimik.

Pinuna rin niya ang patuloy na pagkolekta ng IBP ng membership dues ngunit hindi naman umano ipinagtatanggol ang Korte Suprema.

— Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here