Home ENTERTAINMENT Anak nina Andi at Philmar, nagwagi sa surfing contest!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Anak nina Andi at Philmar, nagwagi sa surfing contest!February 13, 2026 12:331580 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines — Like dad, like kids.Obyus na nananalaytay sa ugat ni Lilo ang pagiging kampeon sa larangan ng surfing, tulad ng kanyang amang si Philmar Alipayo.Si Lilo ay ang anim na taong gulang na anak nina Philmar at Andi Eigenmann, kasunod ni Koa.Proud parents nga ang Siargao-based couple.Nagkampeon si Lilo sa San Vic Surf Fest, ayon sa video na in-upload ng organizers sa kanilang Instagram page.Isang masayang awarding ceremony ang ginanap pagkatapos ng surfing event.Makikitang karga-karga ni Philmar si Lilo sa balikat, kasama si Koa.Bukod sa tropeo, nag-uwi rin ng cash prize si Lilo.Sumali rin si Koa sa parehong paligsahan, placing third sa Grom Revival 2026: Boys Push-in category.Tatlong taon pa lang noon si Lilo nang matutong mag-surf sa gabay ni Philmar.Noong Oktubre 2025, sumabak si Lilo sa kanyang unang national competition sa Siargao.Ronnie Carrasco III