Home ENTERTAINMENT Maria Ozawa, naibenta “vintage” pink panty ng P20,500!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Maria Ozawa, naibenta “vintage” pink panty ng P20,500!February 13, 2026 12:221910 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines — Ang latest customer ni Boss Toyo sa kanyang tindahan ay ang Japanese porn star na si Maria Ozawa.Ang pakay nito ay ibenta ang kanyang pink panty—na itinuturing niyang “vintage” dahil madalas niya itong gamitin.Sa umpisa, nagpalitan muna sila ng kuwento, kasama ang asawa ni Boss Toyo.Inamin ni Maria na tanging ang chef na si Jose Sarasola ang naging nobyo niya sa Pilipinas.Napag-usapan din nila kung gaano karaming Pinoy ang “pinatangkad” ni Maria.Sa katunayan, inamin mismo ni Boss Toyo na minsan din niya itong pinagpantasyahan.As expected, dumako na ang usapan sa bentahan.Ipinakita ni Maria sa mag-asawa ang panty na suot niya, na balak niyang ibenta.Hinubad ni Maria sa CR ang panty at nagsimula na ang tawaran.Nakita ni Boss Toyo na medyo mahal ang panty ni Maria, na una nitong ipinresyo sa P150,000.Humirit si Maria ng P50,000, pero pumalag si Boss Toyo at nag-alok ng P12,000.Pero nakiusap si Maria na kung maaari ay itaas naman ang presyo dahil sa sentimental value nito.Ending—nagkasundo ang dalawa sa halagang P20,500.Nangako si Boss Toyo na ipapa-frame niya ang pink panty at ilalagay sa Pinoy Pawnstars Museum.Bongga!Ronnie Carrasco III